Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Rehabilitasyon ng irigation-canal sa Barangay Cabalitian

Jul
24,
2020
Comments Off on Rehabilitasyon ng irigation-canal sa Barangay Cabalitian

Rehabilitasyon ng irigation-canal sa Barangay Cabalitian, patapos na; 5 kilometrong farm to market road sa Cabalitian-Baro, planong gawin

Kamakailan ay ininpeksyon ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr ang sinasagawang pagsasaayos ng irrigation-canal sa barangay Cabalitian upang alamin ang sitwasyon ng proyekto.
“Nagrequest sa akin ang mga farmers na i-rehab natin yung old na kanal kasi sayang naman yung ilang hektarya na hindi nasasaka na, kaya tumutugon tayo doon sa programa ng DA na kailangan ayusin yung mga kailangan ng mga magsasaka para makapag-produce tayo ng maraming pagkain.” pahayag ng alkalde
Nasa apat na kilometro ang haba ng rehabilitation project na pag natapos ay mapapakinabangan ng nasa limangpung hektaryang lupa na sinasaka.

“Irerehab natin yung kanal nila. Ang source ng tubig sa Sinapog tignan mo ang luwang ng di napapatubigan dito kaya kailangan gagawa tayo ng kanal ng mga magsasaka dito sa Cabalitian.” dagdag ng alkalde.
Balak rin kausapin ni Mayor Lopez ang ibang may-ari ng mga lupa upang sunod na maipagawa ang farm to market to road na magdurugtong sa barangay Cabalitian at barangay Baro.
“Tutuloy natin ito papapirma tayo sa mga may ari ng lupa para maideretso sa barangay Baro.” saad ni Lopez.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top