Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

REGISTRATION PARA NATIONAL ID, PANSAMANTALANG IPINAGPALIBAN MUNA

Nov
27,
2020
Comments Off on REGISTRATION PARA NATIONAL ID, PANSAMANTALANG IPINAGPALIBAN MUNA

REGISTRATION PARA NATIONAL ID, PANSAMANTALANG IPINAGPALIBAN MUNA
Inanunsyo ng Philippine Statistics Authority o PSA ang pansamantalang pagpapaliban ang step 2 para sa Philippine Identification System (PhilSys) o mas kilala sa tawag na National ID.
Dahil sa pagtama ng bagyong Ulysses sa ilang bahagi ng bansa ay naantala ang pagdating ng mga registration kit sa iba’t ibang parte ng bansa na naging dahilan upang ikansela ang nakatakdang pagkuha ng biometric at iris scan mula November 25 hanggang November 30.
Batay sa tala ng PSA, nasa 5,788,615 na indibidwal ang naka-kompleto na ng 1st step sa national ID Registration o katumbas ng 58.7% na target ng PSA na 9 na milyong Pinoy sa pagtatapos ng taon.
Ang Philippine Statistics Authority ay magbibigay ng anunsyo sa bagong petsa ng appointment para sa Step 2 Registration.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top