Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PROGRAMANG PABAHAY SA GITNA NG PANDEMYA, HINAHANDA NA NG LGU ASINGAN PARA SA MGA KAPOS-PALAD NA KABABAYAN

Apr
28,
2021
Comments Off on PROGRAMANG PABAHAY SA GITNA NG PANDEMYA, HINAHANDA NA NG LGU ASINGAN PARA SA MGA KAPOS-PALAD NA KABABAYAN


PROGRAMANG PABAHAY SA GITNA NG PANDEMYA, HINAHANDA NA NG LGU ASINGAN PARA SA MGA KAPOS-PALAD NA KABABAYAN
Kamakailan ay nagsagawa ng pagpupulong ang mga miyembro ng Local Housing Board sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. para sa inihahandang programang pabahay sa bayan ng Asingan.
“Mag i-evaluate po yung Housing Board kung sino po yung mga recipient. meron pong criteria siyempre… yung isang criteria yung talagang walang bahay at yung mga indigent na mga kababayan natin” ani ng alkalde.
Target ng lokal na pamahalaan na makapagbigay ng nasa 140 na mga bahay para sa mga kababayang taga Asingan sa tulong na rin ng National Housing Authority.
“Meron naman tayong fund na pambili naman ng lupa, kaya lang titingin tayo ng mas mura at hindi binabahang property. Kaya mamanawagan ako sa mga kababayan natin na may maluluwang na lupa diyan na gustong magbenta na pwede natin gawing housing project, ipagbigay alam lang po sa aming opisina, sa opisina ni Vice Mayor o sa tanggapan ni Engineer Laroya ng ating MPDO” dagdag ni Mayor Lopez Jr.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top