Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


UNANG 100 ARAW NG PANUNUNGKULAN Part 1

ANG AKING UNANG 100 ARAW NG PANUNUNGKULAN BILANG PUNONG BAYAN NG ASINGAN

Paunang Salita

Pagbabago

-Ang nagbuklod sa ating lahat para magkaroon ng bagong pamunuan ang ating bayan.

Naipakita natin noong Mayo 10, 2010, ang ating pagkakaisa. Natupad ang mithiin na pagbabago at ang inyong lingkod ay binigyan ng mandato para pagsilbihan ang mahal nating bayan-Asingan.

Bago pa man ako opisyal na maupo bilang Punong Bayan, ako ay nabigyan na ng pagkakataon na pag aralan ang bagong hamon sa aking buhay. Ang pagiging Local Chief Executive ay isang responsibilidad na dapat magampanan ng buong husay, giting, at katapatan.

Samahan ninyo ako sa pagsilip sa unang 100 araw ng aking paninilbihan bilang Punong Bayan ng Asingan……

PROGRAMA PARA SA MGA BAGUHANG MAMUMUNO SA BAYAN.

     Mula ng ako’y mahalal bilang Punong Bayan ng Asingan, lalawigan ng Pangasinan, ay naging bahagi ako ng iba’t ibang programa sa pamahalaan na naglalayong mapaunlad ang antas ng pamumuhay ng mga mamamayan. Sa tulong ng mga ahensya sa lokal na gobyerno, ay naisasakatuparan ng inyong lingkod ang mga tungkuling magsasaayos ng pagbabagong-kalagayan sa ating lipunan.

     Ang Unang Isandaang Araw ng Panunungkulan ng Mga Baguhang Punong Bayan ay isa sa mga bahagi ng programa. Layunin nito na maituro ang mga tungkulin at dapat gampanan ng isang baguhang manunungkulan partikular ang mga Punong Bayan o Mayor. Dito ipinagtitibay ang maayos na pundasyon upang masiguro ang magandang simulain tungo sa pagbabago at upang mapaunlad ang kakayahan ng isang maninilbihan na magiging katuwang sa pagkamit ng inaasam na pag-unlad sa buhay at lipunan. Bilang bahagi ng aktibidad na isunusulong ng pamahalaan, nais ko pong ibahagi ang mga nasimulan ng inyo pong lingkod…

MGA NAISAAYOS NA/KATAYUAN SA PAMAMAHALA

1. Maayos na paglilipat ng pamumuno.
2. Pagrepaso o pag-aaral ng mga naipatupad na panukala o ordinansa.
3. Pakikipag-usap sa mga kawani ng gobyerno, grupo ng manggagawa, at mga iba’t-ibang asosasyon sa bayan.
4. Pagdalo sa mga pagsasanay at pag-aaral na maglilinang sa kakahayang mamuno.
5. Pagrepaso ng pinansiyal na pananagutan.

Mga Barangay sa Bayan ng Asingan

ARISTON EAST
ARISTON WEST
BANTOG
BARO
BOBONAN
CABALITIAN
CALEPAAN
CAROSUCAN NORTE
CAROSUCAN SUR
COLDIT
DOMANPOT
DUPAC
MACALONG
PALARIS
POBLACION EAST
POBLACION WEST
SANCHEZ
SAN VICENTE EAST
SAN VICENTE WEST
SOBOL
TOBOY

Ang lahat ng mamamayan lalo na ang Pangalawang Punong Bayan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Barangay ng Asingan ay katulong ng inyong lingkod sa pagsasaayos sa lahat ng proyekto o programa. Sa pamamagitan ng mga ipinasang resolusyon ay nakagawa kami ng mahahalagang proyekto para sa ikabubuti ng bawat mamamayan .

Ang pagbabago ay nagsisimula sa ating sarili. Nawa’y magsilbing inspirasyon ito para maipagpatuloy natin ang ating mga dakilang hangarin sa ating bayan.

            Salamat po sa inyong pagtitiwala na ako ang mabigyan ninyo ng pagkakataon na maging ilaw ng Asingan.

            Magkaisa po tayo sa pagharap ng magandang bukas….

            para sa ating bayan….

            para sa lahat ng mamamayan….

Ang inyo pong lingkod,

            Hon. HEIDEE L. GANIGAN-CHUA

Punong Bayan

 

To the top