Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

POSO MULA SA PUSO NI ASINGAN MAYOR LOPEZ JR

Sep
23,
2022
Comments Off on POSO MULA SA PUSO NI ASINGAN MAYOR LOPEZ JR
POSO MULA SA PUSO NI ASINGAN MAYOR LOPEZ JR
Personal na pinuntahan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang barangay Sobol upang mamahagi ng tubo at poso na mapapakinabangan ng mga residente sa sampung compound.
“Nagrequest ang barangay [Sobol], na kung saan may mga kababayan natin doon na umaasa lang sa nakikiigib sa ibang bahay. At kaysa naman bumili pa sila o kaya mag install sila ng “nawasa”, eh sabi nila hindi nila kaya na magkaroon ng sariling tubig. So siyempre para makatulong tayo per compund ang ginawa natin.” pahayag ng alkalde.
Muli raw maglalaan ng budget si Mayor Lopez Jr. sa susunod na taon upang mabigyan ang mga lugar na mas may kakulangan ng suplay ng tubig.
“So next year meron po uli at depende yan sa barangay na magrerequest. Titignan natin yung source of income nila, yung lugar din nila na talagang pwede pang magpatayo ng deep well na source ng tubig.” dagdag ni Mayor Lopez Jr.
Umapela naman ang alkalde sa mga barangay officials na tulungan siyang mahanap ang mga kababayan na magiging benepisyaryo ng proyekto ito para sa 2023.
“Hinihimok natin ang mga barangay officials natin na ivaluate niyo yung nasasakupan ninyo kung talagang wala silang pagkuhanan ng tubig para mabigyan natin sila. So dapat may proper coordination yan sa barangay para maayos yung pag proseso ng proyektong ganyan.” saad ng alkalde.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top