Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PNP Asingan, nakatanggap ng bagong sasakyan mula sa LGU Asingan

Jul
20,
2020
Comments Off on PNP Asingan, nakatanggap ng bagong sasakyan mula sa LGU Asingan

PNP Asingan, nakatanggap ng bagong sasakyan mula sa LGU Asingan; Body Cam ng kapulisan, target na isusunod
Pormal ng tinanggap ngayong umaga ng Philippine National Police Asingan ang bagong Toyota Hilux mula sa local na pamahalaan ng Asingan sa pamumuno ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr
Ayon kay Mayor Lopez, isa ito sa mga ginawang prioty niya pag-upo noong nakaraang taon at pinakausap kay Vice Mayor Heidee Chua upang mapondohan ang nasa lagpas isang milyon halagang bagong sasakyan.
“Nakita naman niyo na since matagal na yung service ng PNP halos masira na, so nag-usap po kami ng Sangguniang Bayan na pondohan namin para ma-upgrade naman yung mga gamit natin at atleast mapaganda pa natin yung serbisyo ng kapulisan ng ating bayan. Ito mag se-serve atleast inspiration sa ating mga pulis na pagandahin pa nila ang kanilang performance, kasi andito lang ang LGU na su-support sa kanila” pahayag ng alkalde.
Sa tulong ng dagdag na sasakyan, maaari nang mag-ikot sa ibat ibang barangay ng sabay-sabay.
“Nakikita niya yung dalawang mobile natin ay kulang at minsan pag nasira yung isa kulang yung ginagamit natin na mobile, at sa 21 barangay na nasasakupan natin ‘pag iisa yung umiikot kulang, so ngayon magiging tatlo yung mobil natin. Pwede nating ipre-position within the exit AOR natin like in Toboy in Carosucan Sur and dito sa bandang Bantog” saad ni Police Major Leonard Zacarias, Officer in Charge ng Asingan PNP.
Balak naman hilingin sa lokal na pamahalaan bilang susunod na proyekto ay ang pagkakaroon ng kapulisan ng sampung piraso na body camera.
“Yung next na ire-request natin yung Body Cam para pagdating ng operation wala ng agam agam doubt sa operation ng ating kapulisan” dagdag ni Zacarias
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top