Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PNP Asingan, May Bagong Barracks Building at Dalawang Motorsiklo mula sa Lokal na Pamahalaan

Oct
9,
2023
Comments Off on PNP Asingan, May Bagong Barracks Building at Dalawang Motorsiklo mula sa Lokal na Pamahalaan

PNP Asingan, May Bagong Barracks Building at Dalawang Motorsiklo mula sa Lokal na Pamahalaan

Pinangunahan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang pagpapasinaya at blessing ng dalawang palapag na bagong barracks ng Philippine National Police (PNP) Asingan, ngayong lunes October 9.
“Yung Pagpapaganda, modernisasyon ng PNP natin – ito yung isang malaking tulong para magampanan din nila yung kanilang mga tungkulin na binibigay natin sa kanila. And we are planning next year again to buy another patrol vehicles para sa PNP, para mabigyan ng magandang police visibility ang ating bayan.” pahayag ngi Mayor Lopez Jr.
Naging panauhing pandangal sa naturang aktibidad si Pangasinan PNP Provincial Director PCOL Jeff Fanged na nagpasalamat sa lokal na pamahalaan ng Asingan sa laging pagsuporta sa mga pangangailangan ng kapulisan sa pamamagitan ng iba’t ibang mga proyekto.
“Ako bilang Provincial Director ay talagang natutuwa at nagagalak na may mga lokal government tayo na tumutulong at very supportive. Kasi may mga municipalities din na kulang yung sa support sa ating PNP. So isa itong Asingan sa dapat example na makita nila na dapat pamarisan nila. Hindi talaga naman kakayanin ng PNP, na lalo na yung mga equipment like mga mobility, kaya kailangan talaga namin yung tulong ng LGU.” ani ni PD Fanged.


Kasabay nito ay ang turn over ceremony para sa karagdagang dalawang bagong motorsiko na donasyon ng lokal na pamahalaan sa kapulisan na tinaggap naman ni Police Major Katelyn May Awingan, hepe ng PNP Asingan.


“Lahat po ng gustong ipahatid ng ating lokal na pamahalaan sa kanila [PNP Asingan] lalo na sa financial aspect eh inaapprove naman namin kaagad. And of course meron naman tayong different committees specially the committee on peace on order nakikipag coordinate lagi sa ating PNP para mas lalo pang mapaganda yung pamamalakad ng ating bayan.” ani ni Vice Mayor Heidee Chua

 

 

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top