Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pinapatayong bagong barangay hall ng Toboy ininspeksyon

Jul
23,
2020
Comments Off on Pinapatayong bagong barangay hall ng Toboy ininspeksyon

Pinapatayong bagong barangay hall ng Toboy ininspeksyon; Abono Partylist namigay ng 1M na pondo para sa istraktura
Ininspeksyon ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr ang itinatayo na dalawang palalag na bagong istruktura sa Barangay Toboy nitong umaga.


“Noong 2019 humingi tayo ng pondo mula kay Congressman Condrado Estrella III para sa initial funding ng barangay hall ng Toboy. Ngayon para may counterpart ang LGU doon sa tulong na binigay ng ABONO Partylist, naglaan din tayo ng 1.5 million para sa finishing niya.” saad ng alkalde.
Sa panayam kay Toboy Punong Barangay Frederick Guerrero, sinabi nito na kinakailangan ng magpatayo ng bagong gusali dahil hindi na maayos ang estado ng kasalakuyang barangay hall.
“Noong umupo na ako bilang barangay captain, noong unang session namin month ng august tumutulo talaga doon sa session hall, minsan binabaha talagang pumasok ang tubig diyan. Nasira yung ibang mga papeles sa loob, kako subukan natin i-request kay Mayor.” pahayag ni Guerrero.
Ayon kay Mayor Lopez, inaantay na lamang maaprubahan ang supplemental budget sa Sangguniang Panlalawigan upang mapagpatuloy ang second phase ng istraktura na naunang inaprobahan ng Sangguniang Bayan.
“Yun nga ang pinagpapasalamat namin nitong mga taga Toboy yung tulong ni Mayor saka ang sabi ni Mayor ayaw niya ng pautay utay dahil parang wala ngang nangyayari nga daw phase 1 phase 2 phase 3 kaya gusto niyang tapusin” dagdag na pahayag ng punong barangay.
Abono Partylist Estrella Toboy Asingan
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top