Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pinakamataas na Pagkilala Kontra Ilegal na Droga, Ginawad ng PDEA sa Bayan ng Asingan

Jul
2,
2025
Comments Off on Pinakamataas na Pagkilala Kontra Ilegal na Droga, Ginawad ng PDEA sa Bayan ng Asingan

Pinakamataas na Pagkilala Kontra Ilegal na Droga, Ginawad ng PDEA sa Bayan ng Asingan


Sa unang linggo ng panunungkulan bilang alkalde ng Asingan ni 3-Term Mayor Carlos Lopez Jr. ay isang award kaagad ang kanyang tinanggap bilang pagkilala sa kanyang administrasyon sa paglaban sa iligal na droga ang Balangay Seal of Excellence.
Di pa man natatapos ang unang linggo ng panunungkulan bilang alkalde ng Asingan ni 3-Term Mayor Carlos Lopez Jr. ay isang award kaagad ang kanyang tinanggap, ang Balangay Seal of Excellence.


Ang ‘Balangay Seal of Excellence’ ay ang pinakamataas na pagkilalang iginagawad ng PDEA sa mga bayan na naideklarang drug cleared ang lahat ng kanilang mga barangay.
“Pag yan ay nakita natin [PDEA] na malinis na yung barangay then ang recommendation of that barangay drug clearing team then PDEA wil come up with a resolution then ibibigay yung seal na yan. Pero again its a challenge na pagbigay ng seal ay continous pa rin yung teamwork at kailangan i-maintain na drug free yung barangay. Yun naman kasi ang ating batayan para masabi natin na gumaganda ang sitwasyon sa Pilipinas kontra ilegal na droga.” pahayag ni Isagani R Nerez, Director General Undersecretary ng PDEA.
Pinasalamatan naman ng alkalde ang mga opisyales ng barangay o ang bumubuo sa Barangay Anti-illegal Drug Abuse Council (BADAC) sa kanilang malaking kontribusyon sa pagsugpo sa ilegal na droga sa pamayanan.


Ganun din ang DILG Asingan, PNP Asingan, AMF family, Sangguniang Bayan Asingan , MADAC Asingan, Liga ng mga barangay, mga magulang ,RHU Asingan ,Dep Ed at NGOs.
Pormal na idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Pangasinan sa pangunguna ni Provincial Officer Investigation Agent V Rechie Camacho kasama si PNP Provincial Director Police Colonel Jeff Fanged ang bayan ng Asingan bilang “Drug Cleared Municipality matapos makapasa sa Barangay Drug Clearing Deliberation ng Regional Oversight Committee noong August 22, 2023.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top