Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PHASE 1 NG ASINGAN PUBLIC MARKET, TARGET MATAPOS NGAYONG KATAPUSAN NG HULYO

Jul
14,
2025
Comments Off on PHASE 1 NG ASINGAN PUBLIC MARKET, TARGET MATAPOS NGAYONG KATAPUSAN NG HULYO

PHASE 1 NG ASINGAN PUBLIC MARKET, TARGET MATAPOS NGAYONG KATAPUSAN NG HULYO


Muling nagsagawa ng ocular inspeksyon si Mayor Carlos Lopez Jr. sa bagong Asingan Public Market nito lamang Biyernes, Hulyo 11, 2025, bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng “Phase 1” sa dalawang palapag na pamilihan. “Nabubuo na po ang ating palengke, ang ating pong inambisyon na magkaroon po tayo ng magandang palengke po para sa ating bayang Asingan.”kwento ng alkalde sa kanyang facebook live streaming.
Layunin ng nasabing inspection na matiyak kung nasusunod ang paglalagay ng tamang espasyo para sa mga negosyante ng uupa ng pwesto. Pati na rin ang maayos ng palikuran (CR) para sa mga vendors at mamimili.


Ayon kay Mayor Lopez Jr., target matapos ang nasabing pamilihan ngayong katapusan ng July, upang mapakinabangan at magkaroon ang mga maliliit na negosyante ng mas maayos at ligtas na lugar para sa kanilang kabuhayan.
Ito rin ay inaasahang magbibigay ng bagong sigla sa ekonomiya, at mas maayos na serbisyo sa mga mamimili sa bayan.
Inanyayahan naman ng alkalde ang mga interesadong investors at business owners na gustong kumuha ng stall sa palengke na hanapin lamang ang opisina ni Asingan Market Enterprise head na si Alejandro Torio.

default

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top