Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Permiso sa pagbiyahe sa karatig na mga bayan, pwede ng humingi sa mga barangay

Apr
29,
2020
Comments Off on Permiso sa pagbiyahe sa karatig na mga bayan, pwede ng humingi sa mga barangay

Permiso sa pagbiyahe sa karatig na mga bayan, pwede ng humingi sa mga barangay; Pag abuso sa Quarantine Pass, ibinabala ng PNP Asingan
Simula bukas ay maaring ng kumuha ng Quarantine Pass sa sari-sariling mga barangay. Ang nasabing Pass ay sapat na upang makapagbiyahe sa karatig na mga bayan at sa loob lamang ng Pangasinan.
Kasabay nito, nagbigay ng babala ang Philippine National Police na mas hihigpitan nila ang pagpapatupad ng quarantine measures sa mga checkpoint sa Asingan.
Magiging strikto sila sa lalabas at papasok ng mga boundary.
Kabilang sa mga papayagan na makadaan sa control points ay ang mga sumusunod:
Pagbili ng gamot na wala dito sa Asingan (kailangan may reseta)
Pagpunta sa mga hospital (Halimbawa check up)
Pagpunta sa bangko (passbook o anumang transaksyon sa banko)
Basic Needs (Kung talagang wala dito sa Asingan)
📸💻 Akosi MarsRavelos

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top