Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pambansang Pabahay sa Bayan ng Asingan

Mar
6,
2025
Comments Off on Pambansang Pabahay sa Bayan ng Asingan
Pambansang Pabahay sa Bayan ng Asingan
Inilunsad ngayong araw, March 6, 2025 ang Kick-off ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) project katuwang ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Pag-IBIG Fund, at ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor CarLos Lopez Jr. kasama si Vice Mayor Heidee Chua.
Isinagawa ang site visit at inspection sa lugar kasama sina Asec Daryll Bryan Villanueva at Regional Director Richard Venancio Fernando V. Ziga ng DHSUD.
Ang proyektong ito ay isang malaking hakbang patungo sa mas maginhawa at maayos na buhay para sa mga pamilyang Pangasinense.
Sa pamamagitan nito, masisiguro ang pagkakaroon ng dekalidad at abot-kayang pabahay na magsisilbing bagong tahanan at bagong pag-asa ng mga kabababayan.
Dumalo sa nasabing okasyon din ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Kapitan at mga kawani ng gobyerno.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top