Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pagpupulong Patungkol sa Seal of Good Local Governance

Jul
4,
2023
Comments Off on Pagpupulong Patungkol sa Seal of Good Local Governance
Naganap ang pagpupulong sa pagitan ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. at mga Punong Barangay patungkol sa Seal of Good Local Governance for the Barangay nito lamang nakaraang linggo.
Ang Seal of Good Local Governance for the Barangay o SGLGB ay isa sa mga programa ng DILG na naglalayong mabigyan ng pagkilala at gantimpala ang mga barangay na natatangi ang dedikasyon sa serbisyo publiko, sa pamamagitan ng pag-assess sa iba’t-ibang bahagi ng pamamahala gaya ng Peace and Order, Financial Administration, Disaster Preparedness, Social Protection, Business-friendliness and competitiveness at Environmental Management.
Ang bawat area ay may set ng indicators na siya namang magiging basehan ng pagpupuntos ng bawat Local Government Operations Officer na magsasagawa ng assessment sa mga barangay.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top