Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Paglilinis sa dalawang sementeryo sa Asingan, sinimulan na.

Sep
22,
2020
Comments Off on Paglilinis sa dalawang sementeryo sa Asingan, sinimulan na.

Paglilinis sa dalawang sementeryo sa Asingan, sinimulan na.
Sinimulan na ang cleanup operation sa Asingan Public Cemetery bilang paghahanda sa nalalapit na pag gunita ng Undas. Ito ay sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr katuwang ang mga tauhan ng Material Recovery Facility at Plaza kahapon ng umaga.
Tuloy-tuloy din ang paglilinis ng mga tauhan ng Heaven’s Gate Memorial Garden na may halos apat na libong puntod.
Subalit pinaalalahanan naman ang publiko na pansamantalang ipagbabawal muna ang pag jogging sa kanilang lugar simula Oktubre 1.
Samantala, limitado pa rin ang paggalaw ng mga tao dito at mahigpit paring ipinapatupad ang mga minimum health standard gaya ng physical distancing. Ito ay bilang maiwasan ang pagkahawa sa sakit na Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
(Romel Aguilar / JC Aying)

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top