Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pagkuha ng Business Permit sa Munisipyo ng Asingan Dinagsa

Jan
4,
2024
Comments Off on Pagkuha ng Business Permit sa Munisipyo ng Asingan Dinagsa

Pagkuha ng Business Permit sa Munisipyo ng Asingan Dinagsa
Sa pangatlong araw ng taunang Business One Stop Shop (BOSS) ng lokal na pamahalaan ng Asingan ay dinagsa ito ng mga negosyanteng kukuha at magpapa-renew ng kanilang business permit.
Nasa isangdaan at limampung (150) individual ang nakapagparehistro , ayun kay Licensing Officer Myla De Guzman.
Nito lamang nakaraang taon ay umabot sa 1,854 ang nakakuha ng business permit.
Kasabay nito ay pinaalalahanan ang mga negosyante sa bayan ng Asingan na hanggang January 20 ang deadline o huling araw ng pagpapa-renew ng kanilang business permit nang hindi sila mapatawan ng penalty.
Samantala, habang naghihintay sa pila ay may libreng pa-kape naman ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top