Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PAGKAKAROON NG SAFETY SEAL CERTIFICATION NG MGA ESTABLISMENTO SA BAYAN NG ASINGAN

Jun
23,
2021
Comments Off on PAGKAKAROON NG SAFETY SEAL CERTIFICATION NG MGA ESTABLISMENTO SA BAYAN NG ASINGAN


PAGKAKAROON NG SAFETY SEAL CERTIFICATION NG MGA ESTABLISMENTO SA BAYAN NG ASINGAN KINAKAILANGAN BAGO MAKAKUHA NG BUSINESS PERMIT SA 2022
Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang business sectors na nagmamay-ari ng mga establisyimento na mag-apply para sa Safety Seal Certification Program.
Alinsunod sa Joint Memorandum Circular 21-01 series of 2021 na inilabas ng DILG, DOLE, DTI, DOT at DOH, at isinusulong ng Pamahalaang Nasyonal na Safety Seal Certification Program at naglalayong mahigpit na ipatupad ang minimum public health standards sa mga establisyemento.
Maaaring mag-apply online ang mga negosyonte via https://forms.gle/vgzNgaFLe2FQFDATA , at ipakita ang business at mayor’s permit, upang maisailalim sa inspeksyon ng auditing team.
“Magkakaroon po kasi ng Asingan Safety Seal Certification Program, bali tungkol sa mga businesswoman/businessman na inaanyayahan na mag online registration. So yun mga nabigyan po namin ng sulat na mga malalaking establishment dito sa Asingan pwede na po kayong mag online within third week ng June magi-inspect po kami kung nasunod na po yung yung mga nakalagay doon sa sulat.” ani kay Myla De Guzman, Municipal Licensing Officer.
Ang Safety Seal ay isang pisikal na pagpapakita ng pagsunod ng business establishment sa minimum health standards laban sa Covid-19.
“Every big establishment or small establishment is required hindi talaga hihigpitan kundi hihikayatin ang ating mga negosyante na sumunod dito sa magandang patakaran kasi para din sa kanila ito at para din sa kanilang mga client. Gaya ng paglalagay ng foot bath, hand sanitizer o alcohol, pagkakaroon ng thermal scanner at record book sa bawat establisyemento at kung nasusunod ba ang pagsusuot ng face masks, face shield at pag-obserba ng social distancing” saad ni Asingan Mayor Carloz Lopez.
Paglilinaw ng Alkalde na ang pagkakaroon ng safety seal ay libre at hindi gagastusan ng business owner.
“Tayo ang papasyal sa kanila so magiging standard yan, yan na ang gagamitin na basis na sila talaga ay nagco-comply kaya lahat ng mga miyembro ng Committee i-ivaluate niya yung mga establishment at irerequire sila na i-comply nila yung mga requirements para mabigyan sila ng safety seal. Without that safety seal di sila mare-recognize as a compliant doon sa requirement na for next year yung ang magiging basis ng pagkuha ng lisensya.” saad ni Mayor Lopez.
“Ito ay bilang paghahanda na rin sa unti-unting pagbubukas ng ating ekonomiya sa panahon ng “new normal”. “Sinabihan ko na yung commitee na bigyan ng pagkakataon yung mga kababayan na mag adjust hindi naman abrupt na ipapaimpliment natin yan kundi bibigyan natin sila ng panahon.” dagdag ng alkalde.
Romel Aguilar / Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top