Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

PAGBIBIGAY NG COVID-19 VACCINE PARA SA MGA BHW AT BHERTs NG ASINGAN, SINIMULAN NA

Apr
25,
2021
Comments Off on PAGBIBIGAY NG COVID-19 VACCINE PARA SA MGA BHW AT BHERTs NG ASINGAN, SINIMULAN NA


PAGBIBIGAY NG COVID-19 VACCINE PARA SA MGA BHW AT BHERTs NG ASINGAN, SINIMULAN NA
Umarangkada nito lamang biyernes sa bayan ng Asingan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa unang batch ng Barangay Health Workers (BHW) at mga myembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).
“Ngayon ay araw na babakunahan natin ng anti-Covid-19 vaccine ang mga frontliner. yung mga natitirang nasa private saka public na medical clinics, sa health centers at sa member ng BHERTs at BHWs… bale isandaan lang muna ngayon ang mababakunahan kada barangay. nagrequest kami ng tatlo doon sa BHW o members ng BHERT saka mga natitira pang hindi nababakunahan sa health workers” ani Dr. Ronnie Tomas, Municipal Health Officer ng Asingan.
Kabilang sa mga nabakunahan kontra COVID-19 ang ilang Punong Barangay at ang itinutiring ngayon na pinakamatandang nabakunahan sa bayan ng Asingan na si Barangay Kagawad Erlinda Rebudos-Butuyan, 79 na taong gulang mula sa barangay Cabalitian.
“Gusto ko talaga magpabakuna… mabuti naman ang pakiramdam ko. wala naman problema awa ng Dios” pahayag ni Butuyan.
Sa ngayon ay nasa 228 ang nabakunahan ng Sinovac at AstraZeneca vaccines sa bayan ng Asingan.
“Sa aking mahal na mga kababayan, magpabakuna na tayo tapos sundin pa rin natin yung minimum health protocols… yung wearing of facemask, faceshield, social distancing, saka stay at home.” saad ni Dr. Tomas.
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top