Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Pagbebenta Ng Apartment Type Na Puntod Sa Asingan, Inaasahan Magsisimula

Oct
1,
2020
Comments Off on Pagbebenta Ng Apartment Type Na Puntod Sa Asingan, Inaasahan Magsisimula


PAGBEBENTA NG APARTMENT TYPE NA PUNTOD SA ASINGAN, INAASAHAN MAGSISIMULA BAGO MATAPOS ANG TAON.
Nasa huling pagbalangkas na ang Sangguniang Bayan upang maaprubahan ang pagbebenta ng mga puntod na apartment type, sa ginawang regular session nitong Lunes ng umaga.
Matutugunan ng nasabing istruktura ang pangangailangan ng mga residente para sa disenteng himlayan ng mga yumaong mahal sa buhay nang hindi kailangang gumastos ng malaki.
Kasabay nito, masosolusyonan din ang kakulangan sa espasyo para sa libingan sa Asingan.
Ang nasabing isktraktura ay nagkakahalaga ng mahigit sa 4 na milyong peso na itinayo sa gitna ng pambublikong sementeryo.
Halos tatlong daang unit (300) naman ang pwedeng maibenta ng Lokal na Pamahalaan ng Asingan, na maaari namang mabili sa mas mababang halaga.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top