Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Orientation para sa 48 benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES).

Jul
4,
2023
Comments Off on Orientation para sa 48 benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES).
Pinangunahan ngayong umaga ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. katuwang si Rizalina Aying ng Public Employment and Service Office (PESO) umaga ang orientation para sa apatnapu’t walong (48) benepisyaryo ng Special Program for Employment Of Students (SPES).
Ang SPES ay isang programa ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa ating mga piling mag-aaral at out-of-school youth (OSY) mula sa ating bayan. Malaking tulong ito upang ang ating mga kabataan ay maging produktibo, makatulong sa pamilya at isa ring oportunidad upang makapag-ipon habang hindi pa nagsisimula ang pasukan.
Ayon sa alkalde malaking tulong ang nasabing programa dahil bukod sa magkakaroon sila ng karagdagang pinansyal ay madadagdagan din ang kanilang karanasan at kaalaman sa pagtatrabaho.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top