Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

OPISYAL NA PAHAYAG Nobyembre 09, 2020

Nov
9,
2020
Comments Off on OPISYAL NA PAHAYAG Nobyembre 09, 2020

OPISYAL NA PAHAYAG
Nobyembre 09, 2020 | 9:00 AM
Ikinalulungkot naming ipabatid na batay sa kumpirmasyon ng Provincial Health Office (PHO) at ITRMC, nakapagtala ng isang (1) bagong kaso ng CoViD-19 sa bayan ng Asingan. Narito ang mga detalye:
Kagyat nang inatasan ng ating pamunuan ang MHO na magsagawa ng contact tracing at swabbing sa mga nakahalubilo ng pasyente. Gayundin ng technical decontamination ngayong araw sa apektadong lugar na isasailalim sa granular lockdown sa bisa ng Executive Order 048, series of 2020.
Bagama’t relatibong maluwag na ang community quarantine classification sa ating bayan, hinihimok ang lahat na maging mapagmatyag at huwag magpakampante dahil hindi pa lubusang napupuksa ang banta ng pandemya. Maging maingat at responsable po sana tayo sa paglabas at pagbiyahe sa ibang lugar.
ASINGAN, COVID-19 AY TALUNIN!

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top