Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

OPISYAL NA PAHAYAG Disyembre 04, 2020

Dec
4,
2020
Comments Off on OPISYAL NA PAHAYAG Disyembre 04, 2020

OPISYAL NA PAHAYAG
Batay sa kumpirmasyon ng Provincial Health Office, nakapagtala ng isang (1) bagong kaso ng CoViD-19 sa ating bayan.
Si Patient number 24 ay 34-anyos na babae mula sa Barangay Calepaan. Siya ay may history of travel sa Bamban, Tarlac at Urdaneta City. Kasalukuyan siyang nasa Asingan Isolation Facility.
Isasailalim sa granular lockdown ang sambahayan ni Patient #24 mula Disyembre 3-17, 2020 sa bisa ng Executive Order No. 52, 2020 kung saan lilimitahan ang paglabas-pasok ng mga residente.
Inatasan na rin ang agarang pagsasagawa ng contact tracing at decontamination sa nabanggit na lugar upang mapigilan ang pagkalat ng sakit.
Bagama’t relatibong maluwag na ang polisiya, hinihingi sa atin na maging maingat at mapagmatyag dahil inaasahan ang biglaang pagdami ng COVID-19 cases ngayong papalapit na kapaskuhan.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top