Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Nitong Lunes ay personal na pinangunahan ni Mayor Lopez Jr. ang turnover ng bagong ambulansya

Feb
17,
2022
Comments Off on Nitong Lunes ay personal na pinangunahan ni Mayor Lopez Jr. ang turnover ng bagong ambulansya
Nitong Lunes ay personal na pinangunahan ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang turnover ng bagong ambulansya para sa Municipal Health Unit ng Asingan.
Isa ang bayan ng Asingan na mapalad na nabigyan ng bagong sasakyang pang medikal sa ilalim ng Medical Transport Vehicle Donation Program (MTVDP) ng Philippine Charity Sweepstakes Office .
“Sa mga bumubuo po ng PCSO na pinapangunahan po ni mam Garma, ang aming pong lokal na pamahalaan ng Asingan ay nagpapasalamat po ng marami dahil malaking bagay po itong naibigay po ninyo, kung saan nadagdagan na naman po ang aming kagamitan para po sa pagbibigay serbisyo sa larangan po ng paghatid ng aming mga kababayan sa mga ospital.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Dahil na rin sa pagsuporta at pagtangkilik ng publiko sa mga gaming products ng PCSO gaya ng STL, Lotto at Digit games, Keno at Instant Sweepstakes Scratch It Tickets ay nagkakaroon ng iba’t ibang proyekto na kapaki-pakinabang sa kani-kanilang munisipalidad, bayan at lungsod.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top