Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

NFA bibili ng palay ng Asingan sa mataas na halaga

Sep
11,
2019
Comments Off on NFA bibili ng palay ng Asingan sa mataas na halaga

Exclusive Report: NFA bibili ng palay ng Asingan sa mataas na halaga. Hinaing ni Mayor Lopez para sa mga magsasaka dininig.

Sa pagbisita ni NFA East Pangasinan Provincial Manager Veralew De Vera ay masaya niyang ibinalita kay Mayor Carlos Lopez Jr na bibilhin nila ang mga palay (clean and dry palay) ng mga magsasaka ng taga Asingan sa halagang P20.40 per kilo at P20.70 kung cooperatiba naman.

Kinakailangan lamang ng katibayan na sila ay “magsasaka” mula sa Department of Agriculture Asingan at sa Punong Barangay na nakakasakop sa kanila.

Hinahanda na rin ang lugar ng kung saan doon dapat pumunta ang mga magsasaka para makapagbenta dito rin sa Asingan. Ang mabuting pagkakataon din na ito ay sa pangunguna ni Congressman Tyrone Agabas ng ika-anim na distrito.

Ito ay ayon na rin sa utos ni Pangulong Duterte bilhin ang palay ng mga magsasaka.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top