Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Minaltratong OFW na limang beses papalit palit ng amo

Nov
25,
2019
Comments Off on Minaltratong OFW na limang beses papalit palit ng amo

Minaltratong OFW na limang beses papalit palit ng amo sa loob ng 3 buwan napauwi na ng Asingan.
Lodi Mayor Carlos Lopez Jr, nirekomendang bigyan siya ng trabaho sa SM Savemore Market.

Nakauwi na ng Asingan nitong biernes ang ating kababayan na si Jennifer Fonacier mula Abu Dhabi na hindi pinasahod ng limang employer sa loob ng tatlong buwan.

Kwento ni Jennifer sa mga panahon na yun ay naranasan niyang hindi pakainin ng halos isang linggo, magtrabaho ng labing walong oras araw araw na naging dahilanan na rin ng kanyang pagkakasakit. At ibenenta ng kanyan agency abroad ng 9,000 dinar.

Sa pangunguna ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Philippine Overseas Employment Agency (POEA) at PESO Asingan sa pangunguna ni Mrs. Rizalina C. Aying ng LGU Asingan mabilisang napauwi ang ating kababayan.

Sa pagbisita ni Jennifer Fonacier kasama ang kanyang pamilya nangako si Mayor Carlos Lopez Jr. na mabibigyan siya ng pagkakataon na magtrabaho sa SM Savemore bilang tulong

Muli naman ang paalala ng si Mayor Lopez sa mga may planong mangibang bansa na tanging sa mga lehitimong recruitment agencies o sa PESO lamang makipag-usap upang makaiwas sa panloloko.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top