Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mga rehistradong botante ng Asingan bumaba ng halos apat na libo

Aug
9,
2019
Comments Off on Mga rehistradong botante ng Asingan bumaba ng halos apat na libo

Mga rehistradong botante ng Asingan bumaba ng halos apat na libo; Pamimigay ng voter’s ID, matagal ng sinuspinde ng Comelec.

Ayon sa Election Officer III ng Comelec Asingan na si Mrs. Leny M. Masaoy nasa 3,870 na botante ang madedeactivate dahil na rin sa “failure to vote twice”.

Ang karaniwang sanhi ng “failure to vote twice” ay deceased/patay o nasa abroad na ang isang botante.

Muling niliwanag ng Commission on Elections, na hinold muna nila ang pagimprinta ng voter’s ID dahil na rin sa pagpasa sa House of Representative ng panukalang National ID System o kung saan iisang ID na lang ang gagamitin para sa lahat ng Government Transactions.

Ang Asingan ay may kabuoang 38,870 na botante ayon sa datos ng Comelec Asingan ngayong 2019.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top