Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mga Paghahanda Para sa Asingan Kankanen Festival sa Susunod ng Linggo, Plantsado Na

Apr
1,
2024
Comments Off on Mga Paghahanda Para sa Asingan Kankanen Festival sa Susunod ng Linggo, Plantsado Na
Mga Paghahanda Para sa Asingan Kankanen Festival sa Susunod ng Linggo, Plantsado Na
Sa huling pagpupulong na ginanap ngayong hapon ng mga miyembro ng Asingan Kankanen Festival Executive Committee (ATFEC) ay tinalakay ang pinal na aktibidad para sa pagdiriwang ng town fiesta.
Kabilang na dito ang traffic re-routing scheme para sa gaganaping grand float parade at seguridad ng publiko.
Samantala bilang paggunita ng kapistahan, ay ideneklara ang April 11 bilang special non-working holiday sa bayan ng Asingan ayon kay Asingan Mayor Carlos Lopez Jr.
Si Councilor Mel Lopez ang tumatayong Chairman ng ATFEC habang co-chairman naman si Municipal Senior Administrative Assistant III Perry Tendero habang si Mayor Lopez Jr. naman ang Honorary Chairman.
kuha ni JC Aying

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top