Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Memorandum no. 31 series of 2020 na nilagdaan ni Mayor Carlos Lopez Jr

Mar
16,
2020
Comments Off on Memorandum no. 31 series of 2020 na nilagdaan ni Mayor Carlos Lopez Jr

Sa bisa ng Memorandum no. 31 series of 2020 na nilagdaan ni Mayor Carlos Lopez Jr at Proclamation no. 922 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proklamasyon na nagde-deklara ng State of Public Health Emergency sa bansa sa gitna ng usapin sa COVID-19.
Simula ngayon March 16 10AM ay PANSAMANTALANG PINAPASARA dito sa Asingan ang mga establisemento gaya ng RESORTS, COMPUTER SHOPS at mga pambulikong lugar tulad ng ating PLAZA at ibang pang OPEN SPACES .
Lahat ng mga Pilipino, mga residente, turista, establishment owners ay hinihikayat na kumilos ng naaayon sa mga panuntunan at sa itinatakda ng batas, upang maiwasan ang transmission ng virus, at para na rin sa kaligtasan ng publiko.
Sa ilalim ng Proclamation no. 922, inaatasan ang lahat ng government agencies at LGUs na magkaisa at magtulungan sa paglaban sa virus, at i-mobilize ang mga kinakailangang resources para sa angkop at mabilis na tugon sa banta ng virus.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top