Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

MDRRMC, mas palalakasin ang pagtugon sa mga kalamidad

Jul
3,
2019
Comments Off on MDRRMC, mas palalakasin ang pagtugon sa mga kalamidad

MDRRMC, mas palalakasin ang pagtugon sa mga kalamidad; Mga lugar sa Asingan na madalas bahain, bibigyan ng aksyon.

Ayon kay Mayor Carlos Lopez Jr., pagtutuunan ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Asingan ang pagresolba sa problema ng pagbaha sa mga barangay gaya ng Toboy, Macalong, Domanpot, Poblacion East & West, Baro at iba pang barangay sa papamigitan ng flood mitigation projects.

Hiniling naman ng mga Punong Barangay na mabigyan sila ng communication equipment mula kay LDRRMO officer Dr. Jesus Cardinez upang lalong mapabilis ang pagbigay ng mga datos.
Kasama din sa nagpag usapan ang pagpondo sa mga proyekto tulad ng pagpapaganda ng Sports Complex at mga cr nito gayundin ang CR ng ating plaza, ang pagbili ng bagong PNP Mobile Patrol at Ambulansya.

Ang mga Health Center naman ay mabibiyayaan ng P200,000 worth of equipment mula sa DOH at LGU Asingan.

Dumalo din sa MDRRMC meeting ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan na sina Konsehal Marivic Salagubang Robeniol, Konsehal Mel Franada Lopez, Konsehal Johnny Mar Agunias Carig, Konsehal Jesus Pico, DSWD Officer Teresa Obra Mamalio, MPDC Em Laroya at Department of Agriculture Ernesto Pascual

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top