Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mayor Lopez, nagbigay ng libreng meat grinder

Sep
3,
2020
Comments Off on Mayor Lopez, nagbigay ng libreng meat grinder

Mayor Lopez, nagbigay ng libreng meat grinder bilang suporta sa gagawing “Asingan Longganisa”
Kahapon, araw ng Miyerkules ay binisita si Mayor Carlos Lopez Jr ang pamilihang bayan upang mamigay tatlong meat grinder para sa mga meat vendor.
“Ngayong umaga binigay na natin yung hinihingi nilang grinding machine sa public market para sa mga meat vendors para matulungan natin sila na makagawa ng longganisa na kung saan hinihikayat ko sila na tapatan yung sarap nung longganisa ng ibang munisipyo, dapat ganun para makapag-compete tayo sa merkado” pahayag ng alkade.
Ikinatuwa naman ng mga meat vendor ang libreng machine na binigay ng alkalde dahil magiging malaking tulong umano ito sa kanilang mga pangangailangan.
Sa Biyernes, nakatakadang bumalik ang alkalde sa palengke upang tikman ang sarap ng longganisa ng Asingan.
“Sa mga meat vendors natin, gamitin nila yan ng maayos at hinikayat ko sila na gumawa ng masarap na longganisa kasi tutulungan ko sila sa marketing.” saad ni Mayor Lopez.
Writer Akosi MarsRavelos Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top