Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Mayor Carlos Lopez Jr sinorpresa ang mga taga NFA

Nov
12,
2019
Comments Off on Mayor Carlos Lopez Jr sinorpresa ang mga taga NFA

Lodi Mayor Carlos Lopez Jr sinurprisa ang mga taga NFA; Alkalde hindi natuwa sa patakaran.


Hinimok ang mga magsasaka na sasamahang maghain ng reklamo sa NFA Main!

Dismayado ang magsasaka sa bayan ng Asingan sa National Food Authority (NFA)sa di umano’y pagkakaroon ng palakasan sa pagbili ng palay ng ahensiya.

Ikinaalarma ni Mayor Lopez ang kapalpakan at iregularidad sa rice procurement process ng National Food Authority o NFA sa kanyang bayan na mas kinokonsente ang mga malalaking traders kaysa sa mga magsasaka na naghihirap.
Sa forum ng mga magsasaka na pinuntahan ni Mayor Lopez nagbabala ang alkade sa mga traders na kung hindi paparehas ay mapipilitan siyang ikansela ang mga permit nila sa susunod na taon.

Kung sakaling mapuno ang warehouse ang susunod na bubuksan ay sa Rosales at Manaoag na.

Matatandaan na si Mayor Lopez, Vice Mayor Heidee Chua at Department of Agriculture Ernesto Pascual ang nagrequest na nagsabing pagpunta ng ahensiya dito.

Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Lopez sa lahat ng magsasaka na pumunta sa kanyang opisina o sa pamamagitan ng komento dito sa facebook ng inyong maging naging karanasan sa pakikipagtransaksyon sa naturang ahensya.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top