Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Masayang ibinabalita ayon sa pinakalatest na datos

Apr
8,
2020
Comments Off on Masayang ibinabalita ayon sa pinakalatest na datos

Masayang ibinabalita ayon sa pinakalatest na datos mula sa ating Rural Health Unit (RHU) na ang nag iisang Person Under Investigation (PUI) ay nairecover matapos sumailalim sa 14-araw na quarantine procedure na protocol na ibinigay ng Deparment of Health o DOH. Ibig sabhin wala na tayong PUI.
Sa kasalukuyan ay mayroon na lamang tayong 282 na Persons Under Monitoring o PUM. Habang inaantay naman natin ang resulta ng swab test ng biktima ng Covid 19 sa ating lugar.
Pinapaala rin na maaring madagdagan ang bilang ng Persons Under Monitoring (PUM) sa mga susunod na mga araw halimbawa ang mga lumabas sa bayan ng Asingan at nagbantay ng pasyente sa ospital na bumalik uli dito.
Pinapayuhan ang lahat na mag doble ingat!
Hinihingi ang kooperasyon ng bawat isa na manatili sa ating mga tahanan at kung hindi maiiwasang lumabas upang mamili ng mga pangunahing pangangailangan, ugaliing gawin ang social distancing, magsuot ng facemask sa tuwing lalabas ng bahay at ugaliing maghugas ng kamay upang makaiwas sa COVID-19.
Arya Asenso Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top