Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

LIBRENG FLU SHOTS, ALOK NG LGU ASINGAN

Aug
26,
2021
Comments Off on LIBRENG FLU SHOTS, ALOK NG LGU ASINGAN

 

LIBRENG FLU SHOTS, ALOK NG LGU ASINGAN PARA SA MGA SENIOR CITIZEN NA HINDI PA NABAKUNAHAN KONTRA COVID 19
Aabot sa isanlibo anim na raan at limampu (1,650) na residente ang mabibigyan ng libreng flu vaccine mula sa lokal na pamahalaan ng Asingan.
Prayoridad na mabigyan ng flu shots ang mga lolo’t lola na hindi pa nakakatanggap ng bakuna laban sa coronavirus.


“Ito ay vaccine galing sa National Government, ang ginawa ko na lang para sa mga ayaw magpavaccine ng anti covid yan na lang ang pina vaccine natin sa kanila. Para atleast may protection sila.” ani ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Ayon din sa Alkalde ay gumagawa na rin siya ng paraan upang mabigyan din ng libreng pneumonia vaccine ang mga senior citizen.
Romel Aguilar / Photo JC Aying

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top