Upang mapanatiling Zero Cavity ang nasa tatlumpong (30) “children with disability” ng Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC) ay nagpamigay ang lokal na pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr at Municipal Dentist Dra. Aurelia Velasco ng libreng Dental kits tulad ng toothbrush, toothpaste, face towel at sabon.
Sa kabuoan ay nasa siyamnaraan (900) na mga batang nasa edad dalawa hanggang apat na taong gulang mula sa dalawampu’t apat na child development centers at isang National Child Development Center ang nabigyan ng dental kits sa pamamagitan ng nasabing programa.
Layon din ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng mga magulang at mga bata tungkol sa kahalagahan ng kalusugan ng ngipin.