Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Libreng Buntis Kits at Multivitamins

Apr
27,
2023
Comments Off on Libreng Buntis Kits at Multivitamins
LGU Asingan Tinutukan ang mga Buntis at Bata. Libreng Buntis Kits at Multivitamins
Namahagi kamakailan ang Lokal na Pamahalaan ng Asingan sa pangunguna ni Mayor Carlos Lopez Jr. at ni Maribel Yangat-Damasco ng Rural Health Unit – Asingan (RHU Asingan) ng pitong daan limampu’t siyam (759) piraso ng multi vitamins at limangdaan dalawampu’t limang (525) piraso ng ferrous sulfate para sa mga batang kulang sa timbang at day care pupils mula sa dalawampu’t isang barangay.
Kasabay din nito ang pamamahagi ng isandaang buntis kits na may laman na gatas, mga bitamina, food supplements para sa kanilang panganganak.
“So yan yung commitment ng local government of Asingan, na mag-provide at mag-support ng food supplement para sa ating mga pregnant women. So siyempre umpisahan natin during the pregnancy para paglabas ng bata ay healthy na siya. Nakita kasi natin yung implications nito in the past years na maganda yung result, kasi noong wala pa itong program na ganito, maraming naipapanganak na malnourish.” pahayag ng Alkalde.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top