Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

Libreng bagong knapsack, ipinamahagi ni Mayor Lopez

Aug
26,
2020
Comments Off on Libreng bagong knapsack, ipinamahagi ni Mayor Lopez


Libreng bagong knapsack, ipinamahagi ni Mayor Lopez
Kamakailan ay nagbigay ng libreng bagong knapsack sprayer si Mayor Carlos Lopez Jr. sa dalawang samahan ng mga magsasaka ng Barangay Dupac.
“Binigyan natin sila ng sprayer na makakatulong sa mga farmers na paghiram hiramin nila para hindi na sila mamuhunan pa ng pambili ng sprayer kasi hindi naman lahat yan sabay sabay na mag-spray eh, so by farmers association, meron silang gagamitin ang kanilang miyembro” pahayag ng alkade.
Ang Rang Ay Farmers Association at Dupac Farmers Association ang nabigyan ng tig-limang piraso ng sprayer.
“Napakalaking bagay para aming magsasaka yung ibinigay ni apo Mayor dahil magagamit ng karamihan ng mga magsasaka yung sprayer dahil hindi lahat ng mga magsasaka kayang bumili ng sprayer kasi napakamahal tapos ganito pa may pandemic nangyayari sa bansa natin.” saad ni Froilan Abat Ordonio Jr, presidente ng Rang Ay Dupac Intergrated Association Incorporated.
Nakatakda namang mamahagi si Mayor Lopez ng limang bagong knapsack sprayer sa bawat rehistradong grupo ng magsasaka sa bawat barangay sa 2021

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top