Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Libreng allowance tumanggap mga iskolar ng UAQTEA Scholarship Program

Nov
28,
2019
Comments Off on Libreng allowance tumanggap mga iskolar ng UAQTEA Scholarship Program

Libreng allowance tumanggap mga iskolar ng UAQTEA Scholarship Program; Grade 10 pasok para maging TESDA Iskolar.

Patuloy na nakatatanggap ng libreng pagsasanay bilang mga iskolar ng gobyerno sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act o UAQTEA ang nasa isandaan at dalawampu’t limang taga Asingan.

Kahapon ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng P5,000 na book allowance pati living allowance kada linggo para sa mga kurso na kanilang pinasok tulad ng Bread & Pastry Production NC II; Food Processing NCII; Housekeeping NC II; Food And Beverage Service NC II at Electronic Products Assembly and Servicing NC II.

Hinihimok naman ng Education and Skills Development Authority (TESDA Asingan) ang mga kababayang nasa 15 taong gulang pataas na nagnanais magkaroon ng skills na magagamit sa pagnenegosyo o sariling hanapbuhay na huwag palampasin ang ganitong mga pagkakataon. Para sa ibang mga detalye ay maaring tumungo sa TESDA Asingan na nasa Luciano Millian National High School.

Arya Asenso Asingan.

Jess Salagubang

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top