Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU Asingan nagsagawa ng surprise drug test

Mar
6,
2020
Comments Off on LGU Asingan nagsagawa ng surprise drug test

LGU Asingan nagsagawa ng surprise drug test sa mga sumuko ng OPLAN Tokhang; Drug Surrender na peneke ang IHI di umobra sa PNP Asingan.
Nagsagawa ng sorpresang mandatory drug test ang mga kasapi ng Asingan Police Station sa mga tokhang responders sa utos na rin ni lodi Mayor Carlos Lopez Jr. “Nagrequest tayo kay Police Major Leonard Zacarias na imbitahin uli lahat ng natokhang kababayan natin, para masigurado natin na hindi na sila gumagamit through pag conduct ng panibagong drug test” ayon kay Mayor Lopez.
Samantala isang drug surrender ang nagtangkang pekehen ang kanyang ihi na pinasa bilang sample sa drug test. “Mahahalata mo naman kasi colorless siya tsaka noong binuksan ko parang laway talaga may malapot lapot” sa panayam sa Medical Techonlogist ng RHU na si Karen Viray.
Agad agad naman na pinabalik ng miyembro ng kapulisan ang nasabing drug surrenderer sa CR. “Noong kinonfirm ng ating medical technologies na parang hindi ihi yun then pinatawag natin yung tao dahil may corresponding number sa listahan ng mga tao and it turn out negative naman” dagdag ni Police Lieutinant George Banayos,Deputy Chief of Police ng Asingan Police Station.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top