Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU ASINGAN, MAGBIBIGAY NG LIBRENG SWAB TEST SA MGA RESIDENTE

Jun
9,
2021
Comments Off on LGU ASINGAN, MAGBIBIGAY NG LIBRENG SWAB TEST SA MGA RESIDENTE

LGU ASINGAN, MAGBIBIGAY NG LIBRENG SWAB TEST SA MGA RESIDENTE
Magbibigay ng libreng swab test ang lokal na pamahalaan ng Asingan para sa mga kababayan na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 gaya ng lagnat, ubo, sipon, pagkawala ng pang-amoy o panlasa, sore throat, sakit ng ulo, pananakit ng kasu-kasuan, panghihina, o rashes o di kaya ay naging close contact ng isang positibong indibidwal. ito ay ayon sa anunsiyo ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr nitong martes.

“Kung pupuwede at may nararamdaman na, pumunta na po sa mga klinika, sa ating mga public hospital, sa ating RHU para magpacheck up at kung alam mo na na may symptoms ka ng Covid pumunta po kayo dito sa RHU natin. I-swaswab po kayo.. libre para at least maagapan ang pag spread ng virus sa inyong mga pamilya at para hindi magkaroon ng agam agam ang kanilang pag iisip na may covid sila o wala… mag pa-swab na lang mas maganda pa” ani ng alkalde.

Natanggap na ng alkalde ang unang dose ng Sinovac nitong nakalipas na Biyernes ng tanghali. Sa darating na July 2 naman ang ang ikalawang dose ng bakuna niya.
“Sa awa ng Dios ay ok naman, kaya hinihikayat ko ang mga kababayan natin na magpavaccine na tayo para atleast meron tayong protection laban po sa Covid.” dagdag ng alkalde.
Samantala, naglabas ng hinaing si Mayor Carlos Lopez Jr. sa mabagal na pagdating ng mga bakuna kontra Covid-19 sa distrito. Ito ang kaniyang pahayag sa kanyang pakikipag-usap kamakailan kay Secretary Harry Roque sa pagbisita nito sa ika-anim na distrito.

“Nirequest natin kay Sec. Harry Roque kasama yung ibang mga Mayor na pabilisin ang pag roll out ng vaccine kasi nga dapat sana sa panahon ngayon nasa A4 na tayo para maprotektahan natin ang mga manggagawa.. eh ngayon nasa A2-A3 pa lang tayo dahil sa mababang dating ng mga vaccine” ani Mayor Lopez Jr.
Romel Aguilar / photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top