Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

LGU Asingan at LMNHS, Pinarangalan ng Red Cross Pangasinan

Aug
5,
2023
Comments Off on LGU Asingan at LMNHS, Pinarangalan ng Red Cross Pangasinan

LGU Asingan at LMNHS, Pinarangalan ng Red Cross Pangasinan

Muling binigyan ng pagkilala ng Philippine Red Cross Pangasinan Chapter ang lokal na pamahalaan ng Asingan at ang Luciano Millan National High School dahil sa kanilang naging kontribusyon sa pagsalba at madugtungan ang buhay ng mga taong nangangailangan ng dugo.
“Salamat sa Red Cross [Pangasinan] sa kanilang patuloy na serbisyo sa lahat ng nangangailangan ng tulong lalong lalo na sa mga pasyente ng ating munisipyo.” pahayag ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. na kinatawan ni dating konsehal Mark Abella.
Iginawad sa LGU Asingan ang “Panangidayaw” award dahil sa nakapagbigay ng walumpu’t dalawang (82) blood units at isandaan at walong (108) blood unit naman ang naiambag ng LMNHS upang makuha ang “Masanting” award.
Ginanap kahapon August 2 ang Biskeg ya Dala” awarding ceremony sa Cinema 2, Robinsons Place, Calasiao.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top