Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

KONSTRUKSIYON NG ASINGAN PUBLIC AUDITORIUM, SISIMULAN NA NGAYONG PEBRERO

Jan
26,
2021
Comments Off on KONSTRUKSIYON NG ASINGAN PUBLIC AUDITORIUM, SISIMULAN NA NGAYONG PEBRERO


KONSTRUKSIYON NG ASINGAN PUBLIC AUDITORIUM, SISIMULAN NA NGAYONG PEBRERO
Sa huling linggo ng Pebrero ngayong taon ay nakatakda nang masisimulan ang pagpapatayo ng Asingan Public Auditorium, ayon sa pahayag ni Ramil Isit, Architect II ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 3rd District Engineering Office.
“Andito kami ngayon para sa documentation and preparation plan saka program of works at ma-familiarize na namin ang location para sa programing and estimates. Okay siya, maganda, may kunti lang na i-enhance na pagbabago base sa coordination namin kay Engineer [Raquel Gonatice] at Mayor” ani Isit.
Kamakailan ay personal na binisita ni Mayor Carlos Lopez Jr. ang opisina ni George Santos, ang District Engineer ng Pangasinan 3rd District Engineering Office, upang i-presenta ang perspective para sa gagawing multi-purpose hall.
“Pumunta tayo para i-present sa kanila yung naihanda nating design ng ating public auditorium na kung saan nakapag-request tayo sa ating butihing Congressman Conrad Estrella III ng pondo para magawa sana nga eh tuloy tuloy na ito. Maaprobahan yung ating hinihingi na pondo para diyan sa ating auditorium.” ayon sa alkalde.
Romel Aguilar / JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top