Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Kankanen Festival Street Dancing competition

May
18,
2023
Comments Off on Kankanen Festival Street Dancing competition
Narito na ang pinakahihintay nating mga Asinganian!!
Saksihan ang makulay na Asingan Town Fiesta Kankanen Festival Street Dance Competition, ating panoorin ang tagisan ng mga mananayaw ng siyam na paaralan mula sa Luciano Millan National High School, Angela Valdez Ramos National High School, Carosucan Sur National High School, Carosucan Norte National High School, Ariston-Bantog National High School, Toboy National High School, Salvation Army Educational Service Incorporated, San Vicente West Integrated School at Calepaan Integrated School.
Gamit ang saliw sa iba’t-ibang tugtog ng musika, mula sa pag-indak hanggang sa paghataw suot ang kani-kanilang makukulay na costumes at props.
Ang itatanghal na kampeon sa Street Dancing Competition ay tatanggap ng tumataginting na P50,000.00 habang P30,000.00 naman para sa first runner up at ang second runner up ay pagkakalooban ng P20,000.00.
Habang P10,000.00 naman para sa consolution prize at tag P5,000 naman para sa Best Costume, Most Discipline at Best in Parade.
Sino kaya ang tatanghaling kampeon sa Kankanen Festival 2023 Street Dance Competition? Manood na!

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top