Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

KALSADA NA MAGKOKONEKTA SA DALAWANG BARANGAY

Jul
1,
2021
Comments Off on KALSADA NA MAGKOKONEKTA SA DALAWANG BARANGAY

KALSADA NA MAGKOKONEKTA SA DALAWANG BARANGAY, DUGTONG BUHAY PARA SA MAGSASAKA NG BAYAN NG ASINGAN
Kalbaryong maituturing para sa magbayaw na magsasaka na sina Romeo Dela Cruz at Joel Rivera ng Barangay Bobonan ang kawalan ng maayos na kalsada na pwede sanang mapagdadaanan ng kanilang mga inaning farm products tuwing panahon ng anihan.

“Pahirapan sir, dati hirap na hirap kami magpasok ng kuliglig dito, kung saan-saan kami dumadaan saka yung taga buhat ng palay puro upa ng tao para mailabas” ani ni Dela Cruz.
Personal na dinalaw at ininspeksyon ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. ang kasalukuyang pinapagawang lagpas isang kilongmetrong farm to market road na magdudugtong sa Barangay Bobonan at Barangay Palaris.
“Lumapit sa akin ang [Barangay] Council at mga magsasaka na yun kung pwede magkaroon ng kalsada patungo sa kanilang lupain para maiuwi nila ang kanilang mga produkto sa bukid, na gamit ang kanilang mga farm equipment. Hindi na yung magbubuhat pa, expenses pa yun para sa mga magsasaka atleast ngayon direcho na makakapunta sila sa kanilang mga bukid” ani ng Alkalde.
Nakatakdang matapos ngayong 2021 ang nasabing istraktura na proyekto ng National Government, Congressman Tyrone Agabas at ng lokal na pamahalan ng Asingan.
“Maraming salamat kasi mula ng nagawa to malaking tulong sa amin tapos pag naituloy na mas maganda kasi mas makakapasok na yung mga kuliglig, di na kami magbubuhat ng abono” kwento ni Rivera
Romel Aguilar / photo JC Aying Rome Butuyan Bagood

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top