Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Kalabaw Festival, Matagumpay na Idinaos

May
21,
2025
Comments Off on Kalabaw Festival, Matagumpay na Idinaos

Kalabaw Festival, Matagumpay na Idinaos

Nakilala ang Bantog Samahang Nayon Multipurpose Cooperative (BSNMPC) sa kanilang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw tulad ng yogurt (mango, strawberry, blueberry, at chocolate flavor), corn flavored ice cream, pastillas, polvoron, nutribun (milky bun) at fresh milk.
Pati na rin ang karne ng kalabaw ay ginagawa na rin na siomai, skinless longganisa, dumplings, tapa at frozen Bulalo.
Kaya naman hindi kataka-taka na naging one town one product ang mga ito ng bayan ng Asingan.
Bilang pagpapasasalamat dahil na rin sa patuloy na pagtangkilik ng publiko sa kanilang mga produkto ay kanilang idinaos ang pangalawang taon ng Kalabaw Food Festival.
Dito ay nagkaroon sila ng dress up your buffalo” contest, singing contest, libreng serbisyo medikal at cooking contest.
Sa kasalukuyan ay may tatlong daan at dalawampu na miyembro ang Bantog Samahang Nayon Multipurpose Cooperative (BSNMPC) sa ilalim ng pamumuno ni Rolly Mateo Sr.

 

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top