Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

HIGIT 2K NA RESIDENTE NG ASINGAN, NATAPOS NA SA STEP 2 NG NATIONAL ID SYSTEM

Apr
29,
2021
Comments Off on HIGIT 2K NA RESIDENTE NG ASINGAN, NATAPOS NA SA STEP 2 NG NATIONAL ID SYSTEM


HIGIT 2K NA RESIDENTE NG ASINGAN, NATAPOS NA SA STEP 2 NG NATIONAL ID SYSTEM
Umabot na 2,414 ang kabuuang bilang ng nakapagparehistro para sa Step 2 ng sinasagawang Philippine Identification System (PhilSys) o mas kilala sa tawag na National ID sa bayan ng Asingan.
Hinihikayat ang mga kababayan na natapos na ang Step 1 noong 2020 at hindi pa nakapagrehistro para sa Step 2 na sumadya anomang araw sa opisina ng PHILSYS na matatagpuan sa unang palapag ng Womens Center Building katabi ng Rural Health Unit of Asingan. Bukas ito lunes hanggang sabado alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.
Muling pinaaalala ng Philsys Asingan sa mga magpaparehistro ng step 2 na hangga’t maAari ay huwag magsuot ng sando sa kalalakihan at sleeveless sa mga kababaihan para sa front-facing photograph. Hindi rin papasukin ang mga walang suot ng face mask at faceshield.
Narito ang iskedyul ng bawat barangay para sa Step 2 Registration ng Philsys:
Baro April 22 to May 3
Macalong May 3 to May 5
Toboy May 5 to May 11
Carosucan Norte May 11 to May 12
Carosucan Sur May 12 to May 13
Cabalitian May 13 to May 14
Calepaan May 14
Domanpot May 15
San Vicente East May 15
San Vicente West May 15
Romel Aguilar / JC Aying
Kung mayroon kang kwento, larawan o video na nais mong ibahagi, i-send as private message sa facebook page ng PIO Asingan

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top