Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


FeaturedNews and Events

Higit 14,000 bahay, target bigyan ng libreng bigas sa Asingan

Apr
27,
2020
Comments Off on Higit 14,000 bahay, target bigyan ng libreng bigas sa Asingan

Higit 14,000 bahay, target bigyan ng libreng bigas sa Asingan; pamimigay nagsimula na
Nakatanggap na ngayong araw ng tig 25 kilos na libreng bigas ang mga mula sa barangay Calepaan, hatid ng lokal na pamahalaan ng Asingan .


Sinuyod ng mga miyembro ng Municipal Inter-agency Task Force COVID-19 ang bawat sulok upang personal na idiliber ang sako-sakong bigas.
“Tinulungan na po namin ang barangay officials kasama na po ang municipal officials na namimigay para mawala yung agam agam na binabawasan yung bigas, merong hindi nabibigyan, merong dinadaanan na lang– para matanggal na po yun. Lumabas na po yung mga councilors natin, mga municipal employees para tulong tulong na lang po para ibigay sa bawat tahanan, sa aming bayan” pahayag ni Mayor Carlos Lopez Jr.
Malaking tulong ang ayudang hatid ng lokal na pamahalaan sa mga kababayan gaya na lamang ng residenteng si Generoso Gabe, 89, years old. Pito silang magkakapamilya at ang 25 kilos na bigas ay pangkain na nila ng 15 days.
“Nagpapasalamat kami ng malaki sir wala kaming pagkukuhan ng kainin malaki pasasalamat namin sir”, saad ni Gabe.
Maraming salamat sa mga bumubuo ng Barangay Calepaan Council at mga frontliners.
Mayor Carlos Lopez Jr.
Vice Mayor Heidee Ganigan Chua
Councilor Aira Chua
Councilor Marivic Robeniol
Councilor Mel Lopez
Councilor Jesus Pico
Councilor Johnny Mar Carig
Councilor Melchor Cardinez Sr.
Councilor Mark Abella
Councilor Joselito Viray
Liga President Leticia Dollente
SK President Fiel Xymond Cardinez
MRF & Julian Ilumin
PNP Chief P/Maj Leonard Zacarias
PIO Designate Romel Aguilar
Maintenance Department
📸 JC Aying / Akosi MarsRavelos
💻 Akosi MarsRavelos

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top