Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Halos 800 mga magsasaka tumanggap ng ayuda mula ABONO Partylist

Dec
14,
2019
Comments Off on Halos 800 mga magsasaka tumanggap ng ayuda mula ABONO Partylist

Halos 800 mga magsasakang may ari ng hindi hihigit sa isang hektarya, tumanggap ng ayuda mula ABONO Partylist; Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG)at mga stakeholders na may livestock industry sa Bayan ng Asingan nagpakain ng libreng baboy sa mga magsasaka.

Kaninang umaga isinigawa na ang pamimigay ng cash gift ng daan daan na mga magsasaka ng Asingan na meron lupang hindi hihigit sa isang hektaryang lupa. Ito ay ayon na rin sa validation na ginawa noong nakarang buwan. Ang cash gift mula sa Abono Partylist sa pangunguna ni Congressman Condrado Estrella III. Ang nasabing ayuda ay maaring madadagdagan pa taon na dadaan pa.

Sa nasabing okasyon ay nagdaaos naman ng pagpapakain ng libreng lechon sa magsasaka sa pangunguna ni Engr. Rosendo O So ang pangulo ng ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at ng mga kababayang may livestock industry upang muling patunayan na tayo ay ASF Free.
Bumisita sa nasabing okasyon sina lodi Mayor Carlos Lopez Jr, Vice Mayor Heidee Chua, konsehal AIra GChua, konsehal Marivic Salagubang Robeniol, konsehal Mel Franada Lopez, konsehal Jesus Pico at staff ng Department of Agriculture Asingan sa pamumuno ni Ernesto Pascual.

Arya Asenso Asingan!

Panulat ni Paco Aguilar
kuha ni JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top