Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

GOB. ESPINO PRAYORIDAD ANG KARAGDAGANG PASILIDAD SA ASINGAN COMMUNITY HOSPITAL

Aug
23,
2021
Comments Off on GOB. ESPINO PRAYORIDAD ANG KARAGDAGANG PASILIDAD SA ASINGAN COMMUNITY HOSPITAL


GOB. ESPINO PRAYORIDAD ANG KARAGDAGANG PASILIDAD SA ASINGAN COMMUNITY HOSPITAL; DR. DORIA, ITINALAGANG BAGONG CHIEF NG OSPITAL
Isa sa mga binigyan diin ni Governor Amado “Pogi” I. Espino III sa kanyang mensahe sa kanyang pagbisita sa bayan ng Asingan para sa Abig Pangasinan Karaban ang pagsasaayos ng Asingan Community Hospital.


“Dumakdakel ti ele ti San Manuel, dumakdakel met ti Asingan umaad ado ti pasyente ti Tayug atleast atoy kasla catchment area. Pero dumawat ak ti tulong kenni Mayor [Carlor Lopez Jr.] kenni Vice [Heidee Chua] makumbinsi ti pamilia nga gatangin tayo adiay daga sitno mapalawa adiay ospital.” ani Governor Pogi Espino III.


Kabilang na dito ang pagpapatayo ng bagong two storey building sa ospital, ito ay ayon kay Dr. Donn Doria ang bagong talagang Hospital Chief ng Asingan Community Hospital.
“Ang provincial government sa pangunguna ng ating gobernador ay patuloy na tinututukan yung pagbibigay ng dekalidad na serbisyo lalo na ngayong panahon ng pandemic kaya nga ginagawa po nila ang lahat para ma-ensure na makapagbigay po tayo ng magandang serbisyo” saad ni Dr. Doria .
Si Dr. Doria ay umupo din bilang Chief ng Hospital ng Manaoag Community Hospital.
“Uunahin natin yung kapakanan ng mga pasyente titignan natin kung saan sila safe kung papaano natin sila masisilbihan. Being a community hospital napaka-limited ng ating kakayahan pagdating sa pag-manage ng mga kumplikado na mga sakit pero pipilitin natin i-expand yung mga services natin.” dagdag ni Dr. Doria
Romel Aguilar / Photo JC Aying

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top