Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

FVR’s Tary Ti Asingan, Muling Magbabalik

May
31,
2023
Comments Off on FVR’s Tary Ti Asingan, Muling Magbabalik
Muling nagbabalik ang isa sa mga pangunahing atraksyon ng Asingan Kankanen Festival na FVR’s “Taray ti Asingan” 2023 na pangungunahan ng PNP Asingan sa ilalim ni Police Major Katelyn May Awingan.
Bukas ang fun run para lamang sa mga residente ng Asingan at may tatlong kategorya na maaari pagpilian, ito ay ang 3K, 5K at 10K.
Lahat ng nakarehistrong lalahok ay makatatanggap libreng pagkain at tubig habang makatatanggap ng libreng t-shirt ang unang isandaan at limampung (150) runners.
Bagamat libre ang registration ay may premyo pa ring matatanggap ang mga magwawagi sa Fun Run at mga special awards.
Ang Taray ti Asingan ay proyekto ng dating Pangulong Fidel Ramos na sinimulan noong 1982.
Para sa mga gustong sumali, maaaring mag-register sa official PNP Asingan Facebook page.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top