Patuloy na nagsasagawa ang lokal na pamahalaan ng Asingan ng pamimigay ng financial assistance para sa mga senior citizen sa iba’t ibang barangay sa tulong na rin ng Treasurers Office.
Ang bawat kwapilikadong lolo’t lola ay makakatanggap ng limandaang piso (P500) na tulong pinasyal galing sa pondo ng LGU Asingan.
Ito ay sa inisyatibo na rin ni Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. katuwang si Vice Mayor Heidee Chua at mga Sangguniang Bayan members.
Ito ay iba sa social pension natatanggap mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).