Official LGU Website of Asingan Pangasinan

Arya Asingan


News and Events

Estudyante Mula LMMSAT Kampeo sa 2023 Regional Festival of Talent

Jul
8,
2023
Comments Off on Estudyante Mula LMMSAT Kampeo sa 2023 Regional Festival of Talent
Estudyante Mula LMMSAT Kampeo sa 2023 Regional Festival of Talent
Hindi nagpahuli ang labing walong taong gulang na estudyante mula Luciano Millan National High School (LMNHS) na si Alfred Mar Padillo matapos iuwi ang kampeonato bilang pinakamahusay sa Technical Drafting ng AutoCAD sa Region 1 sa katatapos lamang na 2023 Regional Festival of Talent na ginanap sa bayan ng San Manuel.
Dahil sa kanyang tagumpay at pagkapanalo, nakatakdang i-representa ni Padillo ang buong rehiyon uno sa National Festival of Talent na gaganapin naman sa siyudad ng Cagayan De Oro ngayong July 17 hanggang July 20 ng taong kasalukuyan.
Nagpaabot naman ng tulong pinansyal si Asingan Mayor Carlos Lopez Jr. para sa pagsagot ng airplane ticket ng estudyante. Kabilang sa dumalo para sa courtesy call sa alkalde sina LMNHS Principal Florencio Quezon, Rodolfo Aquino at Alex Lopez.

Previous

Next

Comments are closed.

More
To the top